75-anyos, nagtaguyod ng mahigit 600 bata sa loob ng halos 5 dekada

106
(Johnson County Iowa Twitter)

JOHNSON COUNTY, Iowa – Hindi inaasahan ng isang ina na ang kagustuhan niyang magkaroon ng malaking pamilya ay mauuwi sa pagtataguyod ng mahigit 600 bata.

Sa loob ng halos limang dekada, nakagawian na ni Linda Herring, 75, ang kumupkop ng mga paslit na walang tahanan at walang mga magulang para bigyan ng matitirhan, makakain, maisusuot at higit sa lahat, ng walang katumbas na pagmamahal.

Kwento ni Herring, nagsimula ang kanilang pagtulong sa mga bata kasama ang asawa niyang si Bob noong sila ay naninirahan pa noon sa Oxford Iowa.

INNITY ADS

Nakuha niya raw sa isang kaibigan ang ideya ng pagiging isang foster parent.

“My best friend was doing foster care for teenage girls and I thought, ‘Well, that would be nice to do the same,’ but I wanted little kids,” aniya.




Dito raw siya nakipag-ugnayan sa Department of Human Services upang kumupkop ng mga batang nangangailangan.

Samantala, para sa isa sa kanyang mga anak, kilala si Herring bilang isang mabuting ina.

Ibinahagi ni Anthony Herring, isa sa kanyang mga ampon, na 3-anyos siya noong kupkopin siya ng mag-asawang Linda at Bob.

Sabi niya, “I’m forever grateful for the life I was given. She and Dad have both taught me that family isn’t determined by blood, it’s who you have in your life to love.”

Dagdag ni Anthony, parati daw bukas ang pinto ng ina para sa mga batang nakakaranas ng matinding sitwasyon para tugunan ang kanilang pangangailangan.

“She always makes sure a new child in her home was given a professional photograph that was placed on the wall in the living room. That seems like a small thing, but it helps them feel like they’re at home,” aniya.

Nang makapanayam ang ginang kung ano ang naging inspirasyon sa pagtulong, mariin niyang sinabi na “pagmamahal” ang dahilan kung bakit niya ito ginagawa.

“I would just love (my foster kids) just like they were my own, probably more than I should,” giit niya.

Marami rin sa kanyang mga inalagaan ang bumalik-balik sa kanya para magpasalamat at bumisita dahil sa kabutihang ginawa para sa kanila.

Kaya nito lamang Oktubre nakaraang taon, ginawaran ng Johnson County Board of Supervisors ng pasasalamat si Herring matapos itong magpasya na itigil na ang pagtataguyod ng mas marami pang bata dahil na rin sa kondisyon ng kanyang kalusugan.

“The Department of Human Services would call Linda in the middle of the night to take a child, and she would meet anywhere to get a child,” nakasaad sa naturang resolusyon.

Marami ang labis na humahanga sa ginang lalo na ang mga batang tinaguyod, inalagaan at tinuring niya na parang tunay na anak.