70-anyos ginang na may 4 anak, nakapagtapos sa kolehiyo

372
Vimeo/Herbert MacDonald

Pinatunayan ng isang 70-anyos na nanay sa Texas, USA na hindi pa huli sa kanyang edad na makamit ang inaasam na edukasyon.

Natapos ni Rosa MacDonald-Burns, ina ng apat, ang kanyang bachelor’s degree in applied technology sa Brazosport College nitong Hunyo 13, ayon sa KPRC.

Dahil sa COVID-19 pandemic, online commencement muna ang idinaos ng kolehiyo para sa nanay at kanyang batchmates.

INNITY ADS

Naghanda naman ang mga kaanak at kaibigan ni MacDonald-Burns ng maikling video ng kanilang mensahe sa kanyang pagtatapos.

Nasa likod ng nasabing sorpresa ang isa niyang anak na si Herbert na ibinahagi rin ang video sa Vimeo.




Nakatakdang ganapin ang tradisyonal na graduation ceremony ng kolehiyo sa susunod na Mayo.