6-anyos anak ng dating bumbero, iniligtas ang pamilya mula sa sunog

166
Photo by Avenel Fire Department Facebook page

Hinirang na bayani ang isang 6-taon gulang na babae matapos magawang balaan ang buong pamilya bago tuluyang matupok ng apoy ang kanilang bahay.

Tanging si Madalyn Karlbon ang nagising sa alarma ng smoke detector sa kanilang bahay sa New Jersey, United States na nasunog nitong Linggo, Enero 19.

Ayon sa Facebook post ng Avenel Fire Department, agad ginising ng paslit ang kanyang tatay na si Jimmy, dating punong bumbero.

INNITY ADS

Ligtas ding nakalabas ang nanay at 2-anyos na kapatid ni Madalyn sa bahay na tuluyang natupok ng sunog.

Sinamantala naman ng departamento ang muling pagpapaalala ng kahalagahan ng pagtuturo ng fire safety maging sa mga bata.




Pansamantala namang tumutuloy sa hotel ang pamilya Karlbon dahil sa insidente.