5-anyos na cancer survivor, nagdonate ng 3000 laruan sa ospital kung saan siya gumaling

475
Provided by Hearst Television, Inc.

Para sa nalalapit na kaarawan ng isang 5-anyos na batang lalaki, hiling niya na mamahagi at mamigay ng mga laruan sa PennState Children’s Hospital, lugar kung saan siya nagamot at napagaling.

Si Weston Newswanger, isang cancer survivor, ay una nang nang nasurian ng doktor ng sakit na Rhabdomyosarcoma tatlong taon na ang nakalilipas at sumailalim sa isang taong gamutan.

Para kay Weston, ang ospital na ang kanyang naging pangalawang tahanan.

INNITY ADS

Ayon kay Amy Newswanger, ina ni Wenston, nang tanungin raw niya ang anak kung ano ang gusto nito sa darating na kaarawan, sinabi raw nito na wala siyang ibang gusto, wala siyang ibang kailangan.

Nais lang raw niyang ipamigay ang kanyang mga laruan imbes makatanggap ng bago dahil gusto niyang mag-donate sa lugar na sinasabi niyang nagligtas ng kanyang buhay.




Saad raw ni Weston, maghanap at magkolekta raw sila ng iba pang laruan gaya ng dinosaurs at Play Doh para ibigay sa mga batang may sakit sa nasabing ospital.

Dahil dito humingi ng tulong si Amy mula sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak at sinabing ito ang birthday wish ng anak.

Agad namang nagpost online ang naturang pamilya at dito ay marami ang tumulong at nakisali sa kanilang plano.

“We got 1,263 containers of Play-Doh … 71 superheroes … and then 1,249 dinosaurs. And a bunch of miscellaneous items we didn’t even add up,” ani Amy.

Ayon pa sa kanya, malaki raw ang naging parte ng mga laruan sa buhay ng anak habang nagpapagaling ito sa ospital.

Samantala, inihatid ng kanilang pamilya ang mga nakolektang laruan sa ospital, nitong Martes.