400-kg na Pakistani, naghahanap ng ‘heavyweight’ na misis

169
Screenshot from Caters News Agency clip

Sa loob ng pitong taon, bigo pa ring makahanap ng makakatuwang sa buhay ang isang lalaki sa Pakistan na may bigat na 900 pounds (408 kg).

Taas-noong sinabi ni Arbab Khizer Hayat, tinaguriang “Pakistani Hulk”, na umabot sa 300 babae ang tinanggihan niya sa takot na hindi nila kayanin ang kanyang malaking katawan.

“I need a heavyweight wife so I do not hurt her. All the women who have wanted to marry me so far have been too skinny,” pahayag ng 27-anyos sa Caters News.

INNITY ADS

Paliwanag niya, kailangang tumitimbang ang kanyang makakasama ng 220 pounds (100 kg) at may taas na 6’4″ na sasapat sa tangkad niyang 6’6″.

Humantong sa kasalukuyang laki ang weightlifter sa pagkonsumo ng 10,000 calories sa isang araw–36 itlog sa agahan, 3 kilo ng karne sa tanghalian at hapunan, kanin at tinapay sa merienda, at galon ng gatas.




Nilinaw ni Hayat na wala maayos ang kanyang kalusugan at komportable siya sa kanyang pangangatawan na inaalagaan niya ng pag-eehersisyo upang maging “world-champion strongman”.

“My immediate goal is to enter WWE competitions. I am looking to meet weight targets and I am consulting doctors to keep nutrition going,” kuwento ni Hayat.

Nagdesisyon siyang magsanay sa weightlifting noong binata pa lamang nang mapagtanto niyang may kalakihan ang katawan niya kumpara sa mga kaedaran.

Sumikat si Hayat sa Pakistan nang mag-viral ang video ng pagkapanalo niya sa tug-of-war laban sa traktora.

Sa kabila ng higanteng pangangatawan, gaya ng lahat, gusto rin niyang magkaroon ng sariling pamilya.

“My parents want me to get married. They want to have grandkids but I haven’t found the right match for myself,” aniya.