3 estudyante mula Batangas, nag-uwi ng karangalan sa ginanap na World Scholar’s Cup sa US

234
(Photo courtesy: Batangas City Updates Facebook)

Nagkamit ng medalya ang tatlong high school students mula Lyceum of the Philippines University-Batangas matapos magwagi sa ginanap na World Scholar’s Cup, Tournament of Champions sa Yale University Connecticut, USA.

(Photo courtesy: Batangas City Updates Facebook)

Dahil sa ipinamalas na galing nina Yvette Frances Ortega, Kielle Imrei Tria, at Mark Joshua Noche, nasungkit nila ang gintong medalya para sa Team Debate at silver medal naman para sa Team Writing.

Nakuha ni Tria ang 6 gold medals at 5 silver medals; 2 gold medals at 2 silver medals naman kay Ortega; at 1 gold medal at 3 silver medals naman ang nakamit ni Noche.

INNITY ADS

Nang makapanayam ang Grade 11 student na si Ortega, ibinahagi niya ang karanasan habang lumalaban at nakikipagtagisan ng galing sa iba’t ibang bansa.

“Ang pinakagusto ko po siguro is the speaking po. I really love expressing my thoughts, to express myself and be able to convince other people know my side my perspective through my eyes,” aniya.




Para naman kay Tria, isang karangalan ang irepresenta ang Pilipinas sa kabila ng kaba at nerbyos na nararamdaman sa patimpalak.

Sabi niya, “Representing my country is really a pressure that’s for sure, but it’s really an honor to represent the country, not just the institution.”

“Overwhelming. It is one one of the best feeling you could possibly have as a student especially my grade, Grade 10, junior high school, it’s one of the best experiences that every student should be able to experience,” ito naman ang naging pahayag ni Noche.

Ayon sa coach ng tatlo na si Jamie Lee Mendoza, HS Assistant principal ng unibersidad, determinasyon ang naging puhunan nila kaya nakamit ang tagumpay sa naturang cup.

“I think the most amazing thing about this is you get to learn from experience not just from the books,” dagdag pa niya.

Ang nasabing cup ay mayroong kabuuang bilang na 2,700 kalahok mula sa 61 na bansang sumali sa laban.