2 estudyante, nagbigay ng mga damit sa kaklaseng binu-bully dahil iisa ang sinusuot araw-araw

11915

Dalawang estudyante sa Memphis, Tennessee ang nagbigay ng mga bagong damit sa kamag-aral nilang pinagtatawanan dahil iisang damit lang ang paulit-ulit na sinusuot sa eskwela.

Naging tampulan ng tukso sa mga unang linggo ng klase si Michael Todd, bagong estudyante sa Martin Luther King Preparatory High School, dahil iisang damit ang suot niya araw-araw.

Hanggang sa nagkusang-loob sina Kristopher Graham at Antwan Garrett, kapwa football player sa MLK Prep, na regaluhan ang kaklase.

INNITY ADS

Aminado si Graham na sa umpisa ay isa siya sa mga estudyanteng nilait si Todd, kaya naman ito ang naisip niyang paraan para makabawi.

“I felt like I needed to do something. I got some brand-new shoes I can give him and a few items,” sabi ni Graham sa FOX 13, at saka siya nagpatulong kay Garrett.




Nitong Lunes, sinorpresa ng dalawa si Todd ng isang bag na puno ng mga shirt, shorts, sapatos, at iba pa.

“You guys are awesome,” sambit ng hindi makapaniwalang si Todd.

“I’ve been bullied my entire life. I really don’t have clothes at home. My mom can’t buy clothes for me because I’m growing too fast,” paliwanag ng estudyante.

Dahil sa ginawa ng magkaibigan, may ilan na ring gustong tumulong kay Todd at magpadala ng mga damit.