12-anyos, iniwan sa shelter ang alagang aso upang ilayo sa mapanakit na ama

38433
IMAGES: Facebook/Xollin

Pinili na lamang ng isang 12-taon-gulang na lalaki mula Mexico na dalhin sa animal shelter ang alaga niyang aso na sinasaktan ng kanyang tatay.

Batay sa Facebook post ng dog rescue group na Refugio Xollin noong Pebrero 13, iniwan ng bata sa labas ng shelter ang aso na inilagay sa kahon, kasama ang isang stuffed toy at sulat.

Paliwanag ng paslit na nagpakilalang Andrés sa sulat, nagpasya silang mag-nanay na ipaampon ang alaga dahil sinasaktan ito ng kanyang tatay at pinag-iisipan pang ibenta.

INNITY ADS

“One day he kicked him so hard that he hurt his tail,” saad ng bata na isinalin sa ulat ng WUSA.

“I hope you can help and take care of him. I left him a stuffed animal so he won’t forget me,” dagdag niya.




Malugod naman tinanggap ng grupo ang aso na pinangalanan nilang Rene.

Siniguro rin nilang ipapatingin sa beterinaryo si Rene upang malaman kung may pinsala sa buntot.

Sa update naman nitong Pebrero 18, sinabi ng grupo na nakatanggap sila ng mensahe sa higit 300 katao na gustong mag-ampon kay Rene.

Ngunit makasisiguro raw ang publiko na mapupunta sa tamang pamilya ang aso.

Nabanggit din nilang mayroon pang 120 hayop sa shelter na naghihintay ng bagong pamilya.