112-anyos mula UK, naitala bilang bagong ‘world’s oldest man’

123
(Credit: Guinness World Records / Guinness World Records)

Nabigyan ng titulo bilang bagong “world’s oldest man” ang 112-anyos mula United Kingdom na opisyal na inanunsyo ng Guinness World Records (GWR).

Nito lamang Martes nang kumpirmahin ng GWR na si Robert Weighton na isinilang noong March 29, 1908 ang bagong title holder.

Nakuha ni Weighton ang titulo nang pumanaw si Chitetsu Watanabe mula Japan noong February 23 matapos itong kilalanin bilang pinakamatandang lalaki sa mundo sa edad din na 112.

INNITY ADS

At dahil kasalukuyang mayroong social distancing rules dahil sa coronavirus pandemic, inihatid ang sertipiko sa mismong bahay ni Weighton.

(Credit: Guinness World Records / Guinness World Records)

Kaugnay nito, isinalarawan naman niya ang kanyang sarili na isa lamang ordinaryong lalaki na nagawang mabuhay ng mahabang panahon.




“I have never been someone who said ‘I want to climb Everest’ or sail around the world… I just take life as it comes along,” pahayag nito sa clip na ipinalabas ng GWR.

Samantala, isa lamang si Weighton sa pitong magkakapatid sa kanilang pamilya.

Matapos mag-aral ng marine engineering, nagtungo ito sa Taiwan at doon nag-aral ng Mandarin at nagturo sa isang missionary school kalaunan.

Taong 1937 nang ipakasal siya sa asawang si Agnes at nagkaroon ng isang anak ngunit taong 1995 nang pumanaw ang kanyang kabiyak.

Kasalukuyang mayroon ng 10 apo at 25 apo sa tuhod si Weighton.

Saad niya, “It’s a new record for me. The only other record I remember ever having was jumping five feet two inches high in my school days in the final high jump on sports day.”

Kaugnay nito, nananatili namang si Kane Tanaka ng Japan ang pinakamatandang babae sa mundo sa edad na 117.