11-anyos babae, nag-donate ng atay upang dugtungan ang buhay ng isang sanggol

1404
PHOTO: China Daily/Asia News Network

Nabigyan ng pangalawang buhay ang isang sanggol matapos handugan ng atay ng 11-taon-gulang na babaeng pumanaw sa Guangxi Zhuan autonomous region sa South China.

Idineklarang brain dead ang paslit nang i-admit sa ospital ng Guangxi medical university noong Pebrero 14, ayon sa ulat ng AsiaOne.

Sa parehong ospital, isang 34-buwan-gulang na lalaki ang mayroong malubhang hepatopathy at kritikal ang kondisyon.

INNITY ADS

Nagdesisyon ang mga nagdadalamhating magulang ng babae na ibigay ang atay ng kanilang anak upang sagipin ang buhay ng sanggol.

Matapos ang matagumpay na 10-oras na transplant operation, muling nabuhay ang lalaking sanggol noong Pebrero 17.