100-anyos babae, humiling na makulong sa kanyang kaarawan

855
Screenshot from WRLA newscast

Nagdiwang ng ika-100 kaarawan ang isang babae sa North Carolina hindi dahil may ginawa siyang krimen, kundi dahil hiniling niya.

Tinupad ng pulisya sa Roxboro ang isa sa mga kakaibang bucket list ni Ruth Bryant para sa kanyang milestone birthday.

Nasa apat na pulis ang nakiisa sa plano at sumalakay sa Hills Assisted Living Center upang arestuhin ang matanda sa reklamong indecent exposure, ayon sa ulat ng WRAL nitong Huwebes.

INNITY ADS

“Are you Miss Bryant?” tanong ng isang pulis na mabilis sinagot ng matanda ng, “It all depends on what you want!”

Pinosasan na ang centenarian na umarte pang lumalaban at pinagsisipa ang mga pulis habang isinasakay siya sa patrol car.




“Don’t kick me; I’ve got a bad knee,” biro ng isa na binalikan din ni Bryant ng, “I’ve got two bad knees!”

“I know that she is a hundred years old, but I didn’t know that they’d be going this far,” pahayag ng hindi makapaniwalang anak na babae ni Bryant.

Nang makarating sa kulungan, nagsasasayaw sa tuwa ang matanda nang bigyan ng orange na jumpsuit at kuhanan ng mugshot.

Tinanggalan din siya ng mga alahas at pinayagang tumawag sa huling pagkakataon bago manatili ng ilang minuto sa loob ng rehas.

Natapos ang pakulo nang may iniwan pang payo ang matanda sa awtoridad tungkol sa kanilang patrol car.

“The people who make these low damn seats in all these cars–you ought to arrest every one of them,” aniya.