Kapatid ni Baron Geisler, trainer ni Zia Dantes sa taekwondo class

336
Instagram/ Donnie Geisler

Ibinahagi ni Donnie Geisler, kapatid ni Baron, na tagapagsanay siya sa taekwondo class ng anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia.

Ayon sa Instagram post ni Donnie, nagtuturo siya ng taekwondo sa mga batang maliit at isa na rito ang anak ng GMA Primetime Royalties.

INNITY ADS

“Private Taekwondo lesson for these cute and enthusiatic kicking toddlers! Alana, Kimchi and Zia. Lucas wasn’t feeling well so he’s joining next week. Welcome to team DG Kids,” ani Donnie.

Nagbahagi rin si Donnie ng ilang video sa social media ng kaniyang taekwondo trainees.

View this post on Instagram

Our newest member of TEAM DG Zia, Alani and Kimchi.πŸ₯‹

A post shared by Donnie Geisler Taekwondo Main (@donniegeislertaekwondo) on




Tuwang-tuwa naman ang mga netizen sa pag-eensayo ni Zia ng self- defense sa taekwondo.

“Zia is so attentive. She really listens sa instruction. Such a smart kid!”

“Ang cute nila panoorin. Maganda ito para bata palang sila marunong na sa self- defense.”

Si Donnie Geisler ay nakakatandang kapatid ni Baron at retiradong atleta ng Taekwondo. Nirepresenta niya rin ang bansa sa Summer Olympic Games noong 2000 at 2004.