Zsa Zsa Padilla, nakasungkit ng role sa American TV show na ‘Almost Paradise’

726
Instagram/@zsazsapadilla

Nag-debut sa American TV si Zsa Zsa Padilla matapos makabingwit ng role sa crime series na “Almost Paradise”.

Gumanap ang aktres bilang Governor Rosales na lumabas sa latest episode ng serye na kinuhaan sa Cebu City.

Sa Instagram nitong Martes, ibinahagi ni Padilla ang ilan niyang litrato mula sa set.

INNITY ADS

Pinasalamatan niya rin sa post ang makeup artist na si Varda Atienza, pati ang RSB Scripted Formats ABS-CBN na nagpa-audition sa kanya para sa role.

 




Likha ng Filipino-American director na si Dean Devlin ang “Almost Paradise” na umiikot sa kuwento ng dating Drug Enforcement Administration (DEA) na nanirahan sa Cebu matapos magretiro.