Yassi Pressman, naglunsad ng fundraiser para sa mga nagugutom na pamilya sa COVID-19 pandemic

468
Instagram/@yassipressman, @staysafe_together

Sinimulan na ni Yassi Pressman ang paglikom ng donasyon para sa pamamahagi ng makakain sa mga nangangailangang pamilya sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Inanunsyo ng aktres sa Instagram nitong Lunes ang “Stay Safe Together” campaign na inilunsad niya katuwang ang Be The Juan PH.

Sa naturang proyekto, sinabi ni Pressman na kada isang “Stay Safe Together” baller band na mabibili ay makakapagpakain ng isang pamilya.

INNITY ADS

Batay sa website ng campaign, lahat ng kikitain sa bracelets ay mapupunta sa Be The Juan PH na matagumpay nang nakatulong sa mga magsasaka sa Iloilo at mahihirap na pamilya sa Tondo.




Pinakamababang donation package dito ay P500 kapalit ng isang bracelet, hanggang P5,000 para naman sa limang bracelet, letter, at website recognition.

Sa ngayon, 1,024 na ang donors ng campaign, 1,523 bracelet ang naibenta, at 1,422 pamilya na ang nabigyan ng food packs.

Isa si Pressman sa mahabang listahan ng mga local celebrities na tumutulong sa mga nangangailangan sa gitna ng pandemya, tulad nina Angel Locsin, Anne Curtis, Bea Padilla, Bea Alonzo, Kim Chiu, Heart Evangelista, at iba pa.