Wowie de Guzman, abala na sa pagiging isang Zumba instructor

150
(Screenshot from Wowie de Guzman Instagram video)

Isa na ngang full-time Zumba instructor ang dating Universal Motion Dance (UMD) member na si Wowie de Guzman.

Ayon sa dancer, hindi lang sa Pilipinas ang alok niyang Zumba classes kundi maging sa labas ng bansa ay gamit na gamit din ang kanyang serbisyo.

Pero dahil nasa gitna pa umano ng pandemic ang lahat, mayroon silang online sessions gaya ng Facebook live at Zoom na aniya’y nagtutuloy-tuloy hanggang sa kanilang ikatlo nang linggo.

Bukod dito ay mayroon din umano siyang private online class kung saan karamihan ay kanya ring mga estudyante sa Zumba.

Sa Instagram ng 90s matinee idol, mapapanood ang isang video clip nang kanyang pagsasayaw.




Samantala, ibinahagi rin ni Wowie na marami umano siyang natatanggap na mensahe mula sa kanyang mga estudyante.

Nagiging inspirasyon daw sa kanila ang Zumba class lalo na sa panahon ng ganitong krisis.

Ayon pa sa dancer, marami rin daw siyang nagagawa at natutunan ngayong quarantine.

Bukod umano sa mga natututunan niyang ilang skills online ay nakakapaglaan na rin daw siya ng oras para sa kanyang 6-anyos na anak na babae.