Willie Revillame sa mga nagpa-party sa gitna ng krisis sa COVID-19: ‘Makidamay kayo’

661
Wowowin/YouTube

May maikling pangaral si Willie Revillame sa mga taong nagdadaos ng enggrandeng birthday party sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Sa episode ng “Wowowin” nitong Lunes, napag-usapan ang handaan nang samahan siya ng komedyanteng si Donita Nose na birthday celebrant nang araw na ‘yon.

“Kung wala kang pang-blowout ngayon, magtiis ka. Hindi naman kailangan na maghanda ka eh,” payo niya sa mga paparating na rin ang kaarawan.

INNITY ADS

“Kaya nga ako minsan nabu-bwisit ako. Nagpapa-party party kayo. Ang dami-daming namamatay, ang dami-daming nagkakasakit–pinapakita niyo sa Facebook, sa YouTube ‘yan,” hinaing ng host.

Giit ni Revillame, “Makidamay kayo sa ating mga kababayan. Hindi tama ‘yung ginagawa natin. Nagpapasikat kayo, wala naman din kayo.”




Matatandaang hindi rin nagdiwang si Revillame ng kanyang kaarawan nitong Enero 27 matapos ang pagsabog ng Bulkang Taal sa parehong buwan.

Katwiran niya, “Ba’t ako magse-celebrate, nang marami akong kababayan na naghihirap?”

Bukod sa payo, umapela rin ang host sa mga kapwa Pilipino na sumunod sa health protocols kontra COVID-19.