Willie Revillame kay Donita Nose: ‘Talunin mo ‘yang virus na ‘yan’

292
(Screenshot from Wowowin-TuTok to Win YouTube video)

Nagpaabot ng mensahe ang “Wowowin” host Willie Revillame sa isa sa kanyang mga co-host na si Donita Nose makaraang magpositibo ito sa COVID-19.

Sa segment ng programa nitong Martes, pinayuhan ni Kuya Wil si Donita Nose na agad magpagaling.

“Siyempre maraming nagmamahal sa’yo kaya you will be okay. Maraming tutulong sa’yo, huwag kang mag-alala,” saad ng host.

INNITY ADS

“Ikaw ang lalaban diyan, ‘yung COVID na ‘yan, sarili mo ang lalaban diyan,” dagdag niya.

Paalala pa ni Kuya Wil na kasama umano silang nananalangin sa mabilis nitong paggaling.




“Lumaban ka diyan ha. Talunin mo ‘yung virus na ‘yan para makasama ka pa namin.”

Samantala, nilinaw naman ng host na ilang linggo na umanong hindi lumalabas sa “Wowowin-Tutok To Win” ang naturang co-host bago pa man ito mabalitang positibo sa coronavirus.

Hulyo 10 daw nang huling mapanood si Donita sa nasabing show at nawala ito dahil may kailangan daw ayusin.

Kaugnay nito, wala rin daw kahit anong sintomas na nararamdaman ang co-host noong nasa programa pa ito.

Iginiit din ni Kuya Wil na lahat ng staff ng show ay nagpa-rapid test noong Hulyo 20, Lunes at negatibo raw ang resulta nilang lahat.

BASAHIN: Komedyanteng si Donita Nose, nagpositibo sa COVID-19