Wala kang alam! Derek Ramsay, umalma sa komento ng netizen tungkol sa mga nagdaang relasyon

5462
Instagram/@ramsayderek07

Sinagot ni Derek Ramsay ang isang netizen na nagbabala sa karelasyong si Andrea Torres na hindi raw marunong makuntento ang aktor.

Sa magkahalikang litrato ni Ramsay at Torres na ibinahagi ng aktor sa Instagram kahapon, Oktubre 15, maraming nagpabatid ng suporta, ngunit pinili ng isang @lermzmd na punahin ang relasyon ng dalawa.

“You’re just one of them. If you noticed he never settles down,” sabi ng nabanggit na IG user.

INNITY ADS

“He will be single forever until he gets old. And he will get every woman he wants,” dagdag ng netizen na nagsabi pang hinahangaan niya noon si Ramsay.




Nang may ilang nagtanggol sa aktor, nangatwiran ang netizen na “rational observation” ang sinabi niya at hindi para batikusin si Ramsay at Torres.

Hirit pa niya, pagtatanggol sa kababaihan ang kanyang ginagawa.

Inalmahan ni Ramsay ang komento ni @lermzmd na pinayuhan niyang huwag mag-assume kahit kailan.

“Ma’am you talk like you know what happened in my relationships. I’ve been in only a few relationships that lasted many years. It’s sad that they ended but you seem to put all the blame on me,” sagot ng aktor.

“Learn to give respect and never assume,” banat niya.

Pinuna rin ni Ramsay ang paliwanag ng netizen na pagtatanggol sa kababaihan ang kanyang ginagawa.

“Defending women? You are such a sexist! How can you say you are defending women?” aniya.

“You don’t even know what happened in my relationships. Is it always the man to blame? Can’t it be otherwise or nobody at all?”

Nakaraang buwan lang nang umamin si Ramsay na “more than friends” sila ni Torres na nakatambal niya sa teleseryeng “The Better Woman”.

BASAHIN: Derek Ramsay, umamin sa tunay na relasyon nila ni Andrea Torres