Vice Ganda, saludo sa kapatid na COVID-19 frontliner: ‘Mundo na ang inaalagaan mo’

2584
Instagram/@praybeytbenjamin

Ipinagmalaki ni Vice Ganda ang kapatid niyang babae na medical frontliner laban sa COVID-19 pandemic.

“Araw-araw natatakot ako para sa’yo. Pero araw-araw mas ipinagmamalaki kita,” saad ng comedian-host sa Instagram nitong Sabado.

Kasabay nito, ibinahagi ni Vice ang litrato ng kapatid na si Dr. Ma. Cristina Viceral na naka-PPE habang nagtatrabaho sa COVID-19 area ng Quezon City General Hospital.

INNITY ADS

“Mula pa sa pag-aaral ng medisina hanggang ngayon na doktor ka na ay kitang-kita ko ang mga pagsasakripisyo mo,” kuwento ni Vice.




“Dati sabi mo ang dahilan kaya gusto mong mag-doktor kasi gusto mo lang alagaan ang [lalamunan] at boses ko. Pero ngayon ang mundo na ang inaalagaan mo. Ang galing,” dagdag niya pa.

Nitong Marso 31, nabanggit din ng host sa “It’s Showtime” ang kalakip na lungkot sa mahirap na trabaho ng kapatid.

“Ang lungkot ng buhay niya kasi ospital, tapos kapag uuwi siya ng bahay hindi siya puwedeng lumabas ng kuwarto,” sabi niya.

Bilang pasasalamat sa dedikasyon ng healthworkers, una nang nag-abot si Vice ng tulong na medical supplies sa ilang ospital. (BASAHIN: Vice Ganda, nag-donate ng medical supplies sa ilang ospital laban sa COVID-19)