Vice Ganda, pinangalandakan ang pagmamahal kay Ion Perez sa birthday post

1348
Instagram/praybeytbenjamin

Ipinagmalaki ni Vice Ganda ang pagmamahal sa boyfriend na si Ion Perez sa isang mahabang mensahe para sa kaarawan nito noong Miyerkules.

Sa Instagram post, binalikan ng comedian-host ang mga pinagdaanang malulungkot na araw bago dumating si Perez–na nagpabago ng lahat.

“Ang tagal ko ding naging malungkot habang nagpapasaya. Ang tagal ko ding lihim na umiiyak habang nagpapatawa. Ang tagal kong ininda yung mga sakit na pinagdaanan ko.

“Hanggang nakilala ko siya. Lahat biglang nagbago,” ani VIce.

Ibinahagi rin ni Vice kung paano siya ipinagmamalaki at hindi ikinahihiya ng kasintahan.

“Sya lang yung may boses na ipagsigawan ang pangalan ko. Sya lang yung may kamay na humawak sakin kahit may ibang nakatingin.

“Sya lang yung yumakap sakin na di nagtatago sa dilim. Sya yung minahal ko na di nahiyang mahalin din ako,” saad ng host-comedian.

View this post on Instagram

Ang tagal ko ding naging malungkot habang nagpapasaya. Ang tagal ko ding lihim na umiiyak habang nagpapatawa. Ang tagal kong ininda yung mga sakit na pinagdaanan ko. Hanggang nakilala ko sya. Lahat biglang nagbago. Sinagip nya ko bago ko tuluyang malunod. Binura nya lahat ng hinanakit. Naging matamis yung dating ubod ng pait. Sya lang yung may tapang na mahalin ako at ipagmalaki ito. Sya lang yung may boses na ipagsigawan ang pangalan ko. Sya lang yung may kamay na humawak sakin kahit may ibang nakatingin. Sya lang yung yumakap sakin na di nagtatago sa dilim. Sya yung minahal ko na di nahiyang mahalin din ako. Kaya panalangin ko po Lord protektahan nyo po sya sa anumang pwedeng makapanakit sa kanya. Nawa po’y lagi syang nakangiti at masaya. Sana po ipahintulot nyong habang buhay ko syang makasama. Kasi po mahal na mahal ko sya. #HappyBirthdayIon @pereziion27

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

Matagal nang usap-usapan ang tunay na estado ng dalawa, ngunit ngayong buwan lamang nila ito kinumpirma.

Nagsimula ang tuksuhan nang napabilang si Perez noong Setyembre 2018 sa noontime show na “It’s Showtime” kung saan host si Vice.

Sa dulo ng mensahe ni Vice, humiling siyang makasama habambuhay ang lalaking “mahal na mahal” niya.

“Kaya panalangin ko po Lord protektahan nyo po sya sa anumang pwedeng makapanakit sa kanya. Nawa po’y lagi syang nakangiti at masaya.

“Sana po ipahintulot nyong habang buhay ko syang makasama. Kasi po mahal na mahal ko sya,” aniya.

 

RELATED STORIES:

Vice Ganda, umamin na sa relasyon nila ni Ion Perez: ‘Mayroon na akong katuwang sa buhay’

‘Bakit ko siya ikahihiya?’ Vice Ganda, ayaw iparamdam kay Ion Perez ang naranasan sa mga dating karelasyon

Vice Ganda, Ion Perez nag a la-‘AlDub’ sa ‘It’s Showtime’