Vice Ganda, Ion Perez nag a la-‘AlDub’ sa ‘It’s Showtime’

1219
Screengrab from Kapamilya Trending YouTube channel

Bumenta sa madlang people ang panggagaya ni Vice Ganda at boyfriend na si Ion Perez sa sikat na loveteam na “AlDub” sa episode ng It’s Showtime noong Biyernes.

Nangyari ang eksena sa Tawag ng Tanghalan nang mapansin ng comedian na sumisilip si Perez sa gilid ng stage habang ini-interview niya si Justin Alver, celebrity contender ng segment.

Nag-“pabebe” muna si Vice, saka sila bumuo ni Perez ng heart shape sa split-screen–kung saan nakilala ang loveteam ni Alden Richards at Maine Mendoza sa kalabang noontime show, Eat Bulaga!

INNITY ADS

Para kumpletuhin ang eksena, inutusan ni Vice si Alva na ituloy ang pagkanta nang mai-lipsync ng host a la-Yaya Dub.

“Kanta ka pa, kanta ka pa, iDu-Dubsmash ko,” sabi ng host.




Hindi naman ito ang unang beses na nabanggit o napatungkulan ni Vice Ganda ang “AlDub” na sumikat sa Kalyeserye ng noontime show ng GMA.