Vice Ganda, inamin ang muntik ng pag-alis sa It’s Showtime

770
Photo: Unofficial Vice Ganda Facebook

Inamin ng TV host at komedyante, Vice Ganda na naisip na rin niyang umalis sa noontime show na ‘It’s Showtime’.

Sa ika-10 anibersaryo ng naturang show sa Dolphy Theater, binanggit ni Vice Ganda na dumating na rin siya sa puntong napagod na at ayaw nang tumuloy sa nasabing show.

Ito raw ay nangyari noong unang taon ng show, taong 2010.

INNITY ADS

Sabi ni Vice, “After noong first year, nagpaalam na ako. I felt so tired. Yung araw-araw, ‘sample sample,’ araw-araw, kailangan ko mag-isip ng ‘May nag-text!’ Feeling ko, naubos ako.”

Matatandaang ang mga linyang “sample, sample” at “may nagtext” ay pinasikat na punchline ng komedyante bilang punong hurado ng ‘It’s Showtime’ sa loob ng dalawang taon.




Bukod umano sa nauubusan na siya ng jokes ay ramdam niya ang biglaang pagbabago ng buhay.

“Tapos hindi ako sanay sa showbiz, nabigla ako sa pagbabago sa buhay ko na hindi ko nasabaya,” saad ni Vice.

Binanggit rin niya na pakiramdam niya noon ay marami na siyang hindi nagagawa gaya ng paglabas ng bahay, pagdwoya, pagraket, at pagko-concert sa ibang bansa dahil kinakailangan umano siya araw-araw sa Showtime.

“Tapos, napagod talaga ako and at that time, hindi ko nakikita yung purpose ng pagshu-Showtime ko. Akala ko lang, raket ko lang yung pagshu-Showtime, kikita,” dagdag nito.

Dahil dito ay nagpasya siya umano na kausapin ang management ng show ngunit hindi raw nila pinayagang magresign si Vice.

Kwento niya, “Nakipag-usap ako sa management na hindi ko na po bet. Tapos si Ogie Diaz, sabi niya, ‘Sige, pahinga na lang muna tayo,’ kasi nakita niya talaga, pagod na pagod ako.”

Mga isang buwan raw siyang wala sa Showtime at dito ay rumaket daw siya at nagtour abroad.

Habang nagpapahinga ay namiss raw ni Vice ang naturang show lalo na ang co-host na si Anne Curtis.

“Si Anne yung isa sa pinakamalaking rason kung bakit gusto kong bumalik ng Showtime,” sabi nito.

Pahayag pa ni Vice, matapos niyon ay kinausap siya ng management at inayos umano nila ang lahat kabilang na ang pagdadagdag sa sahod nito.

Huli namang sinabi ng host na ngayon raw ay masaya ito sa kanyang trabaho at hindi raw niya kayang iwan ang ‘It’s Showtime’ dahil nakuha na niya raw ang halaga ng show na ito sa kanyang buhay.