Vic Sotto, Pauleen Luna balik ‘paraiso’ para sa 4th wedding anniversary

1113
Photo from IG/pauleenlunasotto

Balik Palawan ang celebrity couple na si Vic Sotto at Pauleen Luna para ipagdiwang ang kanilang 4th year wedding anniversary.

Nagbakasyon ang “Eat Bulaga” hosts, kasama ang kanilang 2-taon-gulang anak na si Tali, sa magarang resort na Amanpulo.

Sa araw ng kanilang anibersaryo, Enero 30, nag-post si Luna sa Instagram ng maikling pagbati para sa asawa.

INNITY ADS

“4 years married to the love of my life. Eternally grateful for your love,” saad niya kasama ng litrato nilang dalawa sa dalampasigan.




Nagbahagi rin siyang family photo nila na may caption na: “Back in paradise!”

View this post on Instagram

Back in paradise! 🌴

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

Ikinasal si Luna at Sotto noong 2016 sa Muntinlupa.

Noong 2013 naman nang kumpirmahin ni Sotto ang kanilang relasyon kasunod ng balitang nagsasama na sila noong pang 2011.