Toni, Alex Gonzaga sumagot sa netizen na sinabihan silang ‘malnourished’

2485
Alex and Toni Gonzaga / @cathygonzaga Instagram

Pinaliwanagan ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga ang isang netizen na pumuna sa kanilang pangangatawan.

Sa post ni Alex sa Instagram nitong Linggo, pinaalalahanan sila ng IG user na @ador.alaskador na “health before wealth” daw dahil “sobrang payat” ng magkapatid.

INNITY ADS

Nauna namang sumagot si Toni na nagsabing nasa genese at sadyang hindi sila “tabain”.

Hindi naman nagpaawat ang alaskador na nangatwirang hindi naman daw payat ang mga magulang ng Gonzaga sisters.




“Huy syempre matanda na sila. ‘Pag nakita mo ang daddy nung kabataan niya, ganyan din,” pagtatanggol ni Alex.

Ipinaalam rin ng vlogger sa netizen na vegetarian ang kanyang ate Toni at ang sagot ng alaskador, “so pag vegetarian ibig sabihin mukhang malnourished?”

Hindi na pumatol pa ang magkapatid na pinagtanggol naman ng maraming netizens.