TINGNAN: Zia Dantes habang suot ang Darna costume, kinagigiliwan online

793
(Marian Rivera Instagram)

Siya na nga ba ang susunod na Darna?

Hindi lang kinagiliwan kundi naging usap-usapan din sa social media si Zia Dantes, ang anak ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil sa suot nitong Filipino superhero.

Nitong Sabado ay ibinahagi sa Instagram ng Kapuso actress Marian Rivera ang larawan ng anak habang nakasuot ito ng Darna costume na isa sa mga naging iconic role niya bilang artista.

INNITY ADS

Sabi niya, maagang pakulo raw ito ni Zia para sa pagdiriwang ng Mother’s Day.




“Sa dinami-dami ng roles na ginampanan ko, ang pagiging mommy ang pinakamasarap,” saad ni Marian sa caption.

“Kaya susuportahan lang kita ‘nak as you discover your interests,” dagdag niya.

Makikita naman sa larawan ang cute na cute na pose ni Zia na tila ginaya pa ang iconic poses ng ina noong gumanap ito ng Darna taong 2009.

Hindi naman mapigilan ng ilang personalidad na magkomento sa mga cute pictures nito na itinuturing na mini-me ni  Marian.

Isa na sa mga unang nag-comment ang gumanap na ring Darna noon na Kapamilya actress Angel Locsin na tila cute na cute kay Zia.

Sinundan naman ito ng susunod na gaganap ng Darna na si Jane De Leon at ang comedian actress na si Pokwang.

(Screenshot from Marian RIvera Instagram post)

Saad naman ni Regine Velasquez, “She is just the most beautiful little girl in the world 😍.”

Maging ang iba pang aktor at aktres ay nagpadala ng kanilang paghanga kay Zia dahil sa gandang taglay nito suot ang Darna costume.

Matatandaan namang nakilala si Marian Rivera bilang Darna noong 2009 matapos ang bersyon ni Angel Locsin sa GMA Network noong 2005.