TINGNAN: Throwback photos ni Marian Rivera, kinagiliwan online

466
(Marian Rivera Instagram)

Marami ang nagiliw sa mga throwback pictures na ibinahagi ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa social media.

Cute na cute kasi ang mga larawan na ipinakita niya sa Instagram na hindi maikakailang ina nga ng magkapatid na Zia at Sixto.

Itinanong ng aktres sa post kung sino nga ba sa dalawa niyang anak ang hindi nalalayo sa kanyang mukha.

“Guess who is the chubby baby. Zia or Sixto? 😂,” saad niya sa caption.




Sa unang litrato ay makikita si Baby Marian habang karga ng kanyang ina.

Hindi maitatangging bata pa lang ay mayroon na itong angking ganda.

Sa ikalawang larawan naman ay marami ang nagsabing kamukha ng aktres ang bunsong anak na si Sixto.

Sa nene picture naman na pangatlo sa kanyang ipinost, makikita ang pagkakamukha nila ng anak na si Zia.

Samantala, marami ang naghatid ng komento sa mga retrato kabilang na ang fans at mga kasamahan ni Marian sa industriya.

Isa sina Kuya Kim at Charlene Muhlach ang nagbigay ng komento sa post.

(Marian Rivera Instagram)

Nagkomento rin sina Liz Uy, Ethel Booba at Mariel Rodriguez.