TINGNAN: Solenn Heussaff, ipinasilip na ang anak online

406
(Solenn Heussaff Instagram)

Sa wakas ay ipinasilip na rin ng aktres na si Solenn Heussaff ang itaas na bahagi ng mukha ng kanyang baby girl.

Sa kanyang Instagram story na ibinahagi niya kahapon, Miyerkules, makikita ang larawan niya kasama si Baby Thylane na parehong kita ang kanilang mata.

(Solenn Heussaff Instagram story)

Samantala, nagpasya si Solenn at asawang si Nico na hindi muna ire-reveal ang mukha ng kanilang anak.

INNITY ADS

Maaalalang isinilang ng aktres si Baby Thylane noong Enero 1 ngayong taon.

Parehong ibinabahagi ng dalawa ang kanilang pagiging magulang sa social media na nagiging inspirasyon sa kanilang mga tagahanga.




Nito lamang nakaraan ay ibinahagi rin ni Solenn ang pagsasayaw nila ni Nico habang nagbi-breast pump para sa kanilang baby.