TINGNAN: Rocco Nacino, kumbinsidong kahawig nga ang aktor sa orihinal na seryeng Descendants of the Sun

522
(april.@apriilrgd twitter)

Naging usap-usapan sa social media ang pagkakahawig ng Kapuso actor Rocco Nacino sa korean actor Jin Goo, isa sa mga gumanap sa orihinal na Kdrama series, Descendants of the Sun.

Sa Twitter, ibinahagi ng aktor ang ilang larawan na gawa mismo ng kanyang fans kung saan makikita ang pinagtabing mukha nila ni Jin Goo.

Ani Rocco sa kanyang post, “Ang galing! Magkamukha nga!”

INNITY ADS

Kung titingnan mabuti, hindi maikakailang iisa nga ang hulma ng mukha ng dalawa at tunay na may pagkakapareho sa kanilang istura.

Nang tanungin si Rocco kung sang-ayon ba siya sa sinasabi hindi lang ng mga netizens kundi maging ng mga kasama niya sa industriya, sinabi nitong napag-usapan na rin daw nila ito ng executive producer ng Encantadia, Winnie Hollis-Reyes na siyang producer din ng remake ng Descendants of the Sun.




“Anong nangyayari? Bakit may #JinGoo? Bakit may #RoccoNacino? Bakit may #Wolf? Tapos pina-pares nila yung mukha namin. Di ko alam, sino ang lalaking ito? Yun pala, yun yung pag-ere ng Descendants of the Sun,” kwento niya.

Ibinahagi rin ni Rocco na marami raw ang lumalapit sa kanya at sinasabing makukuha niya ang role lalo pa’t hindi sila nagkakalayo ng itsura ni Jin Goo.

Samantala, ngayong ineere na ang remake ng Descendants of the Sun, nangako naman ang aktor na gagawin ang lahat para mapasaya ang mga manonood lalo na ang kanyang mga fans.

Ang naturang serye na ipinalalabas ngayon sa GMA primetime ay pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado gayundin ni Jasmine Curtis-Smith na gumaganap namang partner ni Rocco.