TINGNAN: Korina Sanchez, pina-wow ang netizens sa kanyang IG photos

3990
(Korina Sanchez-Roxas Instagram)

Marami ang namangha nang ibahagi ng “TV Patrol” anchor Korina Sanchez ang kanyang sexy pictures online.

Sa Instagram ay makikita ang ilang larawan nito sa swimsuit attire at hindi maikakailang physically fit sa edad na 50.

INNITY ADS

Ayon kay Korina, bumaba ang kanyang timbang dahil sa patuloy na pag-eehersisyo at tamang diet sa gitna ng quarantine.

“Just to report to you: from 118 days since day one of lockdown on March 17, 121 lbs pre-COVID, down to 110 lbs in 2 months. And I’ve been able to maintain (that’s the real challenge),” saad niya sa kanyang post.




Dagdag niya, umaabot lang sa 20-50 grams ng carbs ang nakokonsumo niya kada araw kasabay ng regular swimming at pagbubuhat ng 5-pound weights.

Mensahe niya naman para sa netizens, “Kaya mo rin ‘yan!”

Marami ang pumuri sa TV anchor dahil sa ganda ng kanyang katawan at tila mas mukha raw siyang bata ngayon.

May mga nagpasalamat pa rito dahil isa raw siyang inspirasyon sa nakararami.

Sa ngayon ay mahigit 24K na ang likes na nakuha ng mga pasabog niyang mga larawan.