TINGNAN: Kiray Celis, may maagang Valentine’s surprise mula sa non-showbiz bf

1351
Kiray Celis and boyfriend Stephan Estopia. PHOTO from IG/stephan.estopia

Hindi pa man February 14 ay nakatanggap na ng sorpresa si actress-comedienne Kiray Celis sa nobyong si Stephan Estopia.

Sa Instagram, ibinahagi ni Celis ang litrato nilang dalawa sa tapat ng balloons na bumuo sa pagbating “Happy Valentine’s”.

Hawak-hawak naman ng aktres ang bouquet ng Spongebob stuffed toy na paborito niyang cartoon character.

INNITY ADS

 

View this post on Instagram

 

I love you, @stephan.estopia! Thank you rin @patama.ph sa pagtulong niyo sakanya! 😍😍😍

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) on Feb 7, 2020 at 4:23am PST

Nitong nakaraang buwan lang nang magdiwang ng first monthsary si Celis at Estopia na umamin sa publiko noong Disyembre.

Sa isang press conference noong nakaraang buwan, ikinuwento ni Celis na matagal niya nang kakilala si Estopia na matalik na kaibigan ng kanyang kapatid.