TINGNAN: Kim Chiu, nakatanggap ng mala-tower na bulaklak mula kay Xian Lim bilang Valentine’s gift

1939
(Kim Chiu Instagram)

Nito lamang nakalipas na Araw ng mga Puso, hindi nagpahuli sa pagpapakilig ang magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim sa social media partikular na sa mga fans ng dalawa.

Sinorpresa kasi ng aktor ang nobya ng isang bouquet na tila mas mataas pa sa kanya.

Naghanda ng kakaibang regalo si Xian na ibinahagi pa online habang inihahatid kay Kim.

INNITY ADS

Sa video ay mapapanood na itinutulak ng aktor ang mala-tower na bulaklak sa tulong ng tatlong iba pang lalaki.

Nang makarating kay Kim, makikitang gulat na gulat ang aktres at hindi maikakailang kinilig ito sa sorpresa ng nobyo.




Mapapanood din na sinusbukang halikan ni Xian si Kim na mas nagpakilig sa mga nakasaksi ng eksena habang nasa set ng taping ang dalawa.

Samantala, ibinahagi naman ni Kim sa kanyang Instagram account ang ilang larawan kasama ang kanyang malaking bulaklak na kinakiligan online.

Aniya sa kanyang post, “Each year you never fail to surprise me!🌹🌹🌹
Still And will always will!!!😍 Thank you xi!!! Thank you for putting such effort to surprise me!!❤️ Babae pala ako!! 😅🙈 lels.”

“Before the day ends… here I am having my own HUGE, Pretty BOUQUET!!!!😭 thank you xi!!!!❤️❤️❤️ Happy Valentines indeed!😘 @xianlimm #thankyou,” dagdag ng aktres.

Samantala, nagsimulang magkabutihan ang dalawa noong 2012 kung saan naging magkasintahan sila makalipas ang ilang taon.

Nang tanungin kung may plano na silang magpakasal, sinabi ng dalawa na hindi kailangang madaliin ang lahat ng bagay.

Kasalukuyan namang abala sa kanilang bagong teleserye ang magkasintahan na “Love Thy Woman” kung saan kasama rin nila ang aktres na si Yam Concepcion.