TINGNAN: John Lloyd Cruz, namataan papuntang New York kasama ang ina

1250
IG/myhappy_pill

Napabalitang lumipad papuntang New York City ang aktor na si John Lloyd Cruz kasama ang inang si Aida Cruz para magbakasyon.

Sa fan account na @myhappy_pill na dedicated sa aktor, lumabas ang ilang litrato ng aktor sa biyahe.

Sa isang selfie, kasama ni John Lloyd ang nanay sa eroplano at may caption na “UPDATE: Mommy Aida and John Lloyd [are] going to New York! Why so handsome, Poy?”

INNITY ADS

Mayroon ding larawan ng aktor na kuha habang naghihintay sa kanilang flight na nag stop over sa airport sa Korea.

View this post on Instagram

Update:JLC stop over Korea Airport βœˆοΈβœˆοΈπŸ—½πŸ’•πŸ˜˜ #johnlloydcruz

A post shared by JohnLloyd ❀️ Bea (@myhappy_pill) on




Sa personal account naman ng Kapamilya star nitong Lunes, nag-post siya ng larawan ng mga ulap na mukhang kuha mula sa kanilang biyahe papuntang NYC.

Kamakailan lang nang huling namataan ng publiko si John Lloyd sa showing ng “Himala: Isang Musikal” kasama ang dating ka-loveteam na si Bea Alonzo.