TINGNAN: Birthday greeting ni Vico Sotto sa nanay na si Coney Reyes, kinatuwaan

3732
Pasig City Mayor Vico Sotto and mom Coney Reyes. Instagram/@coneyreyes

Nagpamalas ng editing skills si Pasig City Mayor Vico Sotto sa kuwelang birthday greeting para sa nanay na si Coney Reyes nitong Miyerkules.

Bumenta sa netizens ang Instagram post ng mayor na litrato ng ina na may kargang sanggol na pinalitan niya ng kanyang mukha.

Simpleng “Happy birthday, Mama! I love you!” naman ang caption niya rito.

INNITY ADS

View this post on Instagram

Happy birthday, Mama! I love you!

A post shared by Vico Sotto (@vicosotto) on

Unang ginamit ni Sotto ang naturang litrato ng beteranong aktres para sa kanyang Mother’s Day greeting noong 2018.




Pero imbis na adult face, throwback photo rin ng mayor ang ipinalit sa mukha ng sanggol.

Samantala sa Facebook, seryosong pagbati naman ang post ni Sotto kay Reyes kasama ang isang throwback family photo.

“Di pa nakikita ni Mama mga anak (maliban sa ‘kin) at apo niya mula ECQ,” saad niya nang may malungkot na emoji.