‘This isn’t goodbye’: Korina Sanchez, naniniwalang magbabalik-ere ang ABS-CBN

280
(Korina Sanchez Facebook)

Gaya ng ilang batikan na sa ABS-CBN network, ibinahagi nig beterang broadcaster Korina Sanchez ang ala-ala noong una siyang naging isang Kapamilya.

Sa Facebook post kahapon, araw ng Biyernes ay ikinuwento ni Korina kung paano muling bumalik ang ABS-CBN noong 1987 matapos ideklara ang Martial Law.

Katatapos lamang daw niya sa kolehiyo noon at isa siya sa naging host ng programang muling umere, “Magandang Umaga Po” sa kanilang tagline na “Watch Us Do It Again.”

Sa larawan, makikita ang Rated K host hawak ang kanyang award sa network 30 taon na ang nakalilipas.

ABSCBN. Practically my first job even before graduating college. It is my honor to have been in the very first show that…

Posted by Korina Sanchez – Roxas on Friday, July 10, 2020

“You see, thatโ€™s why I hold my 30 year loyalty award trophy with a smile. I believe in miracles. I believe in right winning over wrong. I believe, ABSCBN will be back,” saad niya.




Sa higit tatlong dekada raw na pagsisilbi sa mga Pilipino, malaki daw ang pasasalamat niya, lalo na sa pamilya Lopez at ng management na buo raw ang ibinigay na pagtitiwala.

Sabi niya, “I am proud to have been chosen by you to be in your homes almost every single day in my eventful broadcast career.”

Para kay Korina ay kaabang-abang daw ang mga susunod na mangyayari.

“This isn’t goodbye. This is, see you again. Hopefully sooner than later. Handa na ba kayo? โค๏ธ๐Ÿ’š๐Ÿ’™ #KapamilyaForever.”

Si Korina ay host ng “Rated K”, umeere tuwing Linggo bago pa man nagkaroon ng COVID-19 pandemic.