Teacher Georcelle, nagsalita na tungkol sa viral video ng Girl Trends

1772

Nagbigay na ng saloobin ang batikang choreographer at G-Force Founder na si Georcelle Dapat-Sy matapos pagpyestahan sa social media ang viral video ng Girl Trends; ang binuong grupo ng noontime show na “It’s Showtime”.

Ang kumalat na video ay usap-usapan online dahil kitang-kita ang hindi pagsasabay-sabay ng grupo sa kanilang performance sa nasabing show.

Sa panayam ni MJ Felipe kay Georcelle sa DZMM, sinabi nitong alam niyang maraming rason bakit ganoon ang nangyari ngunit hindi raw ito excuse.

INNITY ADS

“Someone showed me the video. Actually nakakalungkot dahil may reason malamang kung bakit nangyari ‘yon. But again, they performed on TV and that’s not an excuse. You said yes to a project dapat ibigay mo ‘yung all.”

Dagdag pa niya ay binigyan sila ng oportunidad na magperform kaya’t dapat itodo na nila ang pagtatanghal.




“I think nagkulang lang sa time management. And when you commit, i-full out na… Dito sa pagkakataon na binibigay ng Showtime kailangan nila paghusayan,” giit pa nito.

Samantala nagbigay din ito ng payo sa grupo na gawing motibasyon ang mga puna at komento ng mga netizens upang mas pag-igihan nila sa mga susunod pang proyekto.

Sa huli ay nagbigay suporta naman si Georcelle para sa pagbabalik ng GT sa telebisyon.