Sunshine Cruz, itinanggi ang rebelasyong naging sila noon ni Chuckie Dreyfus

591

Nawindang daw si Sunshine Cruz sa pasabog ng dating aktor na si Chuckie Dreyfus sa telebisyon tungkol sa umano’y “nakaraan” nila.

Sa episode ng “Bawal Judgmental” sa Eat Bulaga nitong Sabado, binanggit ni Dreyfus sina Cruz at Jessa Zaragoza na naging girlfriend niya raw sa youth-oriented show ng GMA na That’s Entertainment na umere mula 1986 hanggang 1996.

“Matagal ko niligawan si Shine. Siguro mga, give or take, six or seven months. ‘Di ko na maalala,” sagot ng dating aktor nang tanungin ng hosts kung gaano katagal ang naging relasyon nila ng aktres.

INNITY ADS

Umalma naman dito si Cruz na binatikos ang aniya’y “fake news” na ipinapakalat ni Dreyfus.

“In a time when our country is battling a very difficult crisis, nakisali ka pa sa gumagawa ng fake news that’s not going to be of any help at all,” saad sa Facebook post ng “Love Thy Woman” actress nitong Linggo.




Paliwanag ni Cruz, 14- o 15-anyos lamang daw siya nang napasama sa That’s; “batang-bata” at “walang balak makipag relasyon dahil gustong makakuha ng break at makatulong sa pamilya”

Diin ng aktres, “There was no US! Lalong wala akong inilaan na 6-7 months para sayo… 10 naman pala ang naging gf mo so bakit kami pa ni Jessa na hindi mo din naman pala naging gf ang binanggit mo?”

Paglilinaw ni Cruz, ang dati niyang asawang si Cesar Montano lang ang kauna-unahan niyang naging nobyo.

“Tanda na natin. Sana nakuha mo ang gusto mong atensyon sa ginawa mo. Diosmio!” sumbat niya.