
Literal na makapigil-hininga ang napiling konsepto sa prenuptial shoot nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.
Ipinasilip ng photographer na si Pat Dy sa Instagram ang underwater-themed shoot ng celebrity couple na kinunan sa El Nido, Palawan na paborito nilang lugar.
Kagat ng mga dikya at aksidenteng pagkalunok ng tubig lang naman daw ang tiniis ng dalawa para sa nakabibighaning resulta ng shoot, ayon kay Dy.
Nakatakdang ikasal si Gutierrez at Lahbati, na may dalawa nang anak, ngayong buwan ng Marso.