Sharon Cuneta, nakalikom ng P2M sa online concert para sa COVID-19 response

253
Instagram/@reallysharoncuneta

Humigit sa P2 milyon ang nalikom ni Sharon Cuneta mula sa kanyang online Mother’s Day concert na para sa mga apektado sa krisis sa COVID-19.

Ibinalita ng Megastar sa Instagram ngayong Martes na P2,330,979 na ang kabuuang donasyon mula sa nasabing fundraising event noong Mayo 10.

Mapupunta ito sa “Pantawid ng Pag-ibig” program ng ABS-CBN na layong mamahagi ng pagkain sa mga nawalan ng kabuhayan sa umiiral na community quarantine.

INNITY ADS

Sa isang post, hinimok din ni Cuneta ang kanyang fans na patuloy na tumulong, kasama ang poster ng mga detalye kung saan maaaring mag-donate.




Bago maglunsad ng sarili niyang online concert, nakapag-donate na rin ng P1 milyon si Megastar sa katulad na fundraising event ni Regine Velasquez noong nakaraang buwan na napunta naman sa Bantay Bata 163. (BASAHIN: Sharon Cuneta, nag-donate ng P1M sa concert fundraiser ni Regine Velasquez)