Sharon Cuneta, nag-donate ng P1M sa concert fundraiser ni Regine Velasquez

430
Instagram/@reallysharoncuneta

Bumuhos ang suporta ng fans ni Regine Velasquez at maging ng mga kaibigan niya sa showbiz, sa kanyang birthday concert fundraiser nitong Linggo, Abril 25.

Isa sa mga donor ng “One Night with Regine” si Megastar Sharon Cuneta, na nagbigay ng P1 milyon.

Nakalikom ang tatlong oras na online concert ni Asia’s Songbird ng higit P4.2 milyon, na mapupunta sa Bantay Bata Foundation ng ABS-CBN.

INNITY ADS

“Ate I love you, thank you very much. Si Ate Sharon po ay nagdonate po ng P1 million para po sa Bantay Bata. Thank you very very much,” sabi ni Velasquez sa kalagitnaan ng concert.

Bukod sa bigating donasyon, gumawa rin ng kanta si Megastar tungkol sa pagkakaibigan nila ni Velasquez.




“My little present for our beloved Songbird, Ms. Regine Velasquez-Alcasid. I love you so much, my baby Nana,” saad niya sa Instagram.