Sharon Cuneta, isinugod sa ospital dahil umano sa pangangati ng mata

2624
(Reallysharoncuneta Instagram)

Itinakbo sa Makati Medical Center si Megastar Sharon Cuneta matapos umanong makaranas ng pananakit at pangangati ng mata.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng singer-actress na naidala siya sa emergency room matapos maramdaman ang kakaiba umanong sakit.

Aniya, “Majorly painful / painfully major eye irritation tonight. Had to be rushed to the Makati Med E.R.. Buti walang scratch or foreign body.”

INNITY ADS

Nagsimula raw mangati ang kanyang mata at medyo sumakit kaya raw kinamot niya saka hinilamusan ng tubig.

Dagdag niya, “Haaayyy napakaKYUUUUUUUUUUUT talaga ng buhay ko nitong mga araw na ito!”




Makikita naman si Sharon habang naka-face mask at mayroong balot sa kanang mata.

Samantala, hindi pa muling nagbibigay ng karagdagang pahayag ang aktres ukol sa kanyang kalagayan.