Saab Magalona, namahagi ng breastmilk para sa mga sanggol na apektado sa pagsabog ng Taal

170
Saab Magalona. Photo via IG

Namigay ng sariling breastmilk ang celebrity mom na si Saab Magalona sa mga nangangailangang sanggol na inilikas matapos ang pagsabog ng bulkang Taal.

Kilala si Magalona sa social media sa pagpapadede ng dalawa niyang anak at pamamahagi ng breastmilk bago pa man mangyari ang insidente.

Sa Twitter noong Enero 14, isang Reena Carandang ang tumawag ng pansin ng celeb mom tungkol sa Facebook post na naghahanap ng breastmilk.

INNITY ADS

Tumugon naman si Magalona na humingi rin ng tulong sa mga puwedeng maghatid ng kanyang breastmilk sa mga lugar na apektado.

Pinalaki ni Magalona sa breastfeed ang kanyang panganay na si Pancho, habang ganoon din ngayon sa kanyang pangalawa na si Vico.




Kasalukuyang nakataas pa rin sa alert Level 4 ang bulkang Taal.