Ryan Agoncillo, inalala ang unang pagkikita nila ni Judy Ann Santos

556
Instagram/@ryan_agoncillo

Isang araw bago ang kanilang wedding anniversary, nagbalik-tanaw si Ryan Agoncillo sa unang pagtatagpo nila ng misis na si Judy Ann Santos.

Sa Instagram, ikinuwento ng “Eat Bulaga” host sa anak na si Lucho ang araw na nagtama ang mga mata nila ni Juday sa studio ng fashion photographer na si Raymund Isaac.

Kasama sa post ang litrato niyang kuha nang araw na iyon, at ang magazine cover ni Judy Ann noong 2001.

INNITY ADS

View this post on Instagram

these photos were taken on the same afternoon by your tito raymund back in 2001. it was early in the afternoon and work finished early that day. i don’t remember where exactly i was headed after, but for sure though, i was in no particular hurry. changing back to the clothes i wore on the way to the studio, taking my time gathering my backpack and gear, the photographer invites me back in, to sit and take a few test shots with the set up for the next photo shoot. as i was making my way out, helmet and stuff in hand, i saw her being made up, in the far end of the studio. i stopped, waved, and then, i said, HI! the moment the word left my lips, our eyes locked in the mirror SH@T, Di Nga pala Kami magkakilala! i smiled, and ran to the nearest exit. that is how i met your mother, bud. #storiesforlucho

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on

“It was early in the afternoon and work finished early that day. I don’t remember where exactly I was headed after, but for sure though, I was in no particular hurry,” simula niya.




Papaalis na sana si Ryan nang pakiusapan siya ng photographer sa test shot para sa susunod na photo shoot — kay Judy Ann.

“As I was making my way out, helmet and stuff in hand, I saw her being made up, in the far end of the studio,” sabi niya.

“I stopped, waved, and then, I said, ‘HI!’ The moment the word left my lips, our eyes locked in the mirror,” pagpapatuloy niya.

Nang magkatitigan, saka lang daw napagtanto ni Ryan na hindi nga pala sila magkakilala noon.

“I smiled, and ran to the nearest exit. That is how I met your mother, bud,” aniya.

Sumagot naman sa post si Judy Ann na, “I remember that day in full HD my love.”

Ngayong araw, Abril 28 ang wedding anniversary ng celebrity couple.

Ikinasal sila noong 2009, walong taon mula nang una silang magkita, base sa kuwento ni Ryan.

Unang nagkasama ang dalawa sa seryeng “Krystala” noong 2004 at doon na rin nabuo ang kanilang pag-iibigan.