(Photo: Instagram of Ruffa Guttierrez and Claudine Barretto)
Ipinaliwanag ni Ruffa Guttierrez ang magandang relasyon nila ni Claudine Barretto sa kabila ng pagkakadawit ng pangalan nito sa awayan ng magkakapatid na Barretto.
Ayon sa aktres, si Claudine ay malambing at magalang sa kanya at kanyang pamilya.
Ito ay matapos kamustahin ng isang netizen si Ruffa nang magpost ito ng larawan kasama si Claudine.
A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag) on Oct 25, 2019 at 7:24am PDT
Sabi ng naturang netizen, “Fresh sana ok kayo ni claudine. <3”
Sagot ni Ruffa, “ok ako sa lahat ng artista. Wala akong kaaway.”
Pahayag niya, magkasama sila ngayon sa isang edisyon ng Metro magazine kabilang ang ilan pang artista gaya nina Lucy Torres, Dawn Zulueta, Charlene Gonzales, Joey Mead King, Angel Aquino, Judy Ann Santos at Tweetie De Leon.
Sa isa pang post, sinagot din ni Ruffa ang netizen na nagsabing huwag na niyang patulan ang mga hindi magagandang komento laban sa kanya.
Saad niya, “true. That’s why I’m at peace.”
Kamakailan lang ay nadawit ang pangalan ni Ruffa Gutierrez dahil sa pagbibigay nito ng komento sa IG post ni Julia Barretto.