Ruffa Gutierrez, KC Concepcion namahagi ng groceries sa 250 pamilya sa Parañaque

584
Instagram

Tulong-tulong sina Ruffa Gutierrez, KC Concepcion at news anchor na si Karen Davila sa pamimigay ng pagkain sa 250 pamilyang lubos na apektado sa community quarantine sa Parañaque.

Sa pamamagitan ng #BFBayanihan donation drive na pinangunahan ng mga kaibigan ni Gutierrez na sina Garlic Garcia at Mikaela Martinez, nakapamahagi ng groceries, prutas at gulay sa mga kasalukuyang walang trabaho sa BF Homes.

Ibinahagi ito ng aktres sa Twitter, kasabay ang pagbati sa co-donor niyang si Concepcion na nagdiwang ng 35th birthday kahapon, Abril 7.

INNITY ADS

Kasama sa groceries na ipinamigay ang mga de-lata, bigas, biskwit, prutas at gulay, batay sa mga larawan sa tweet.

“Fruits and vegetables should be an important part of your daily diet,” paalala rin ng dating beauty queen.




Bago ang #BFBayanihan, nauna nang nakiisa si Gutierrez sa fundraising na sinimulan ng kapatid niyang si Richard at misis nitong si Sarah Lahbati.

(BASAHIN: Sarah Lahbati nagpadala ng donasyon sa frontliners, PUV drivers na nangangailangan sa gitna ng pandemic)