Rhian Ramos, ipinakilala na ang Israeli boyfriend

3437
IG/whianwamos

Opisyal nang ipinaalam ng aktres na si Rhian Ramos na mayroon na siyang bagong boyfriend.

Ipinakilala ng Kapuso actress ang kanyang Israeli boyfriend na si Amit Borsok sa premiere night ng “The Annulment” na pelikula ng kaibigang si Lovi Poe.

“He’s my boyfriend and he’s also friends with Lovi so we’re here to support her,” ani Ramos sa interview sa 24 Oras.

INNITY ADS

Ayon sa mag-iisang taon nang magkasintahan, nagkakilala sila sa tulong ng kanilang “common friends”.

Ibinunyag pa ni Borsok na noong una raw ay nag-aalangan pang makipag-date sa kanya ang aktres.




“She kinda didn’t want to go out with me for a month, she said she’s not in the right place,” ani Borsok.

“But I was kind of persistent, until I kinda convinced her, and it worked,” dagdag niya.

Bagama’t ngayon lang umamin, nagparamdam na ang dalawa noong nagbihis sila bilang Dita Von Teese at Marilyn Manson para sa Halloween.

Sa Instagram, inulan ang kanilang litrato ng mga komentong nagpapahiwatig na may relasyon ang dalawa.