Regine Velasquez, nakalikom ng mahigit P4.2M sa kanyang online birthday concert

284
(Screenshot from ABS-CBN Entertainment YouTube video)

Labis ang galak ni Asia’s songbird Regine Velasquez nang makalikom ito ng mahigit P4.2 milyon sa kanyang online birthday concert para ihandog sa napiling charity.

Tumagal ng tatlong oras ang birthday concert ng singer na kinuhanan sa loob mismo ng kanyang bahay kung saan kinanta niya ang sariling mga awitin.

Nagkaroon din siya ng special guests gaya nina Lea Salonga at kanyang anak na si Nate.

INNITY ADS

Gamit ang #RegineforBantayBata, nakatanggap si Regine ng birthday messages mula sa mga kaibigan sa industriya at taga-suporta.

Kaugnay nito, isa sa biggest donors ng singer si Megastar Sharon Cuneta na nagbigay ng P1 million bilang donasyon.




Matapos awitin ang kantang “Mahal Ko o Mahal Ako,” agad nagpasalamat ang singer kay Sharon.

Aniya, “Ate, naman e, nakakaiyak, naiyak tuloy ako. Ate I love you, thank you very much. Si Ate Sharon po ay nag-donate po ng P1 million para po sa Bantay Bata. Thank you very very much.”

Samantala, ibinahagi ni Regine sa Facebook ang magandang balita tungkol sa halagang nalikom niya para itulong sa Bantay Bata sa pamamagitan ng ABS-CBN foundation.

Saad niya, “Good news, Kapamilya! As of 10:45 PM, nakalikom na po tayo ng P4,259,839 para sa Bantay Bata through ABS-CBN Foundation. Maraming, maraming salamat po! #OneNightWithRegine #RegineForBantayBata.”