‘Proud retokada here!’: Angeline Quinto, matapang na inisa-isa ang ipinaayos sa katawan

446
(Angeline Quinto Instagram)

Matapang na ibinahagi ni Angeline Quinto sa social media ang kanyang pagiging isang retokada.

Makikita sa Instagram post ng Kapamilya singer ang listahan ng kanya umanong ipinaayos nang maging bahagi ng showbiz industry.

Inisa-isa nito ang mga binago sa kanyang katawan maliban umano sa ilong na bagama’t kanya raw pinakonsulta ay hindi niya itinuloy.

INNITY ADS
(Angeline Quinto Instagram)

“Glutathione injection, bihira po dahil mas maputi po talaga aq nung kabataan q,” sabi ng singer.

“Proud retokada here ❀️ Mabuhay po taung lahatπŸ’‹ I love you and Thank you very much Mommy @victoria_belo @belobeauty πŸ™Œ #StopTheHateJustLove,” dagdag niya.




Sa isang nakahiwalay na post, ipinaliwanag ni Angeline kung bakit hindi kailangang ikahiya ang pagiging retokada.

Aniya, “Big deal sa ibang tao ang pagpaparetoke ng ibang artista, hindi naman ho namin itatago kung ano ang ipinaayos namin.”

Kahit kailan ay hindi raw niya ito ikinahiya at itinago dahil parte naman daw ito ng kanilang trabaho.

“Kaya nga ho may Dra. Vicky Belo. Ikaw naman ang magttrabaho at gagawa ng paraan para makapagparetoke ka e. Hindi naman hihingin o nanakawin ang ipangbabayad,” giit ng singer.

Biro niya sa huli, “Kesa ho manggaling sa ibang tao ung IPANGBABAYAD mas pangit ho. πŸ™ˆπŸ˜±πŸ€ͺπŸ˜‰ #RetokePaMore πŸ’‹.”

Marami naman ang humanga sa aktres na nagbigay ng komento sa kanyang posts.