Pokwang, ‘tawang-tawa’ nang koronahang Miss Universe 2001 sa Wikipedia

322

Lingid sa kaalaman ng marami na si Pokwang pala ang kinoronahang Miss Universe noong 2001, ayon sa Wikipedia.

Nadiskubre ito ng Twitter user na si @khenterrific na nagpaalala kung bakit hindi dapat pagkatiwalaan ang online encyclopedia.

“Hindi talaga dapat ginagawang reference ang Wikipedia eh. Search n’yo #MissUniverse2001 si @pokwang2 ang winner,” post ng netizen nitong Huwebes kasama ang screenshot ng entry.

Bumenta naman sa comedienne ang naturang edit sa Wikipedia na ‘di niya rin napigilang i-retweet.

“Ang agaaa!!!! Tawang tawa ako pot*h,” sabi niya.




Nakisali rin ang aktor at manunulang si Juan Miguel Severo na nagsabing may panama naman si Pokwang bilang beauty queen.

“Parang may laban naman po yung nasa picture,” aniya.

Sa ngayon, Biyernes, ay napalitan na ang litrato ni Pokwang sa naturang entry.

Talamak ang maling impormasyon sa Wikipedia, sadya man o hindi, dahil kahit sinong netizen ay maaaring mag-edit dito.

Samantala bilang paglilinaw, apat na ang pambato ng Pilipinas na kinoronahang Miss Universe — sina Gloria Diaz, Margie Moran, Pia Wurtzbach, at Catriona Gray.