Pinoy remake ng ‘Descendants of the Sun’ wagi sa Seoul Int’l Drama Awards

98
"Descendants of the Sun" PH cast. Image: IG/@mercadojenny

Kinilala ang Pinoy adaptation ng Korean drama series na “Descendants of the Sun” bilang Most Popular Foreign Drama of the Year sa 15th Seoul International Drama Awards.

Ibinahagi ng GMA sa Instagram nitong Martes ang nakamit na karangalan ng seryeng pinagbidahan nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith.

Ayon sa Kapuso network, ang DOTS PH ang kauna-unahang programa sa Philippine TV na nakatanggap ng naturang pagkilala mula sa taunang global festival.

Ipinagmalaki naman ni Dantes na mapabilang sa award-winning show.

“A proud member of Team DOTS here! Congratulations to the men and women behind the show!” saad ng lead star sa post.




Gayundin ang kanyang leading lady na si Mercado, na inalay naman sa mga Kapuso ang tagumpay ng programa.

Taong 2016 nang ipalabas ang military romance drama na inere rin ng GMA, bago gawan ng remake na napanood nitong Pebrero.