PANOORIN:’Money Heist’ cast na si ‘Arturito’, may mensahe para sa mga Pinoy fans sa Instagram

338
(Screenshot from Enrique Arce Instagram video)

May espesyal na pagbati para sa Pinoy fans ang aktor na si Enrique Arce, kilala bilang si “Arturito” sa sikat na Netflix series ngayon na “Money Heist”.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Arce ang isang video bilang shout out para sa mga Pinoy fans.

Saad niya sa kanyang post, “To all the friends of La Casa de Papel (Money Heist) in the Phillipines! THANK YOU ❤️ #gratitud
#lacasadepapelphillipines #moneyheistphillipines.”

INNITY ADS

Nagpasalamat ito dahil sa ibinibigay na pagmamahal ng mga Pinoy sa nangungunang serye.




“I know we’ve become number one over there. It’s so fascinating to know that the show has travelled so far and so well,” aniya.

Nagpakitang-gilas pa si Arce sa paghahatid ng mensahe sa pagsasalita ng wikang Tagalog.

Sabi niya, “I’m sorry I don’t speak Tagalog but I wanna say, in my name and in the name of all my colleagues, sa aming mabubuting kaibigan sa Philippines maraming salamat. We love you.”

Kaugnay nito, nagbigay naman ng komento ang Kapuso actress na si Lovi Poe na kamakailan lang ay sinorpresa ng aktor ng isang video message bilang hiling ng kanyang rumored boyfriend na si Monty Blencowe.

Sabi ni Lovi, “Thank you so much for greeting us, your fans in the Philippines!”